Lapid, dumalo sa Health Providers' Summit sa Oroquieta City
November 7, 2024
LAPID, DUMALO SA HEALTH PROVIDERS' SUMMIT SA OROQUIETA CITY
PINAPURIHAN ni Senador Manuel "Lito" Lapid ang may 5,000 Barangay Health Workers at Nutrition Scholars sa ginanap na Health Providers' Summit sa Oroquieta City, Misamis Occidental nitong Martes, Nov. 6.
Sa kanyang talumpati, taus-pusong pinasalamatan ni Lapid ang mga BHW sa kanilang papel bilang frontliner sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa bansa. Sinabi ni Lapid na hindi matatawaran ang dedikasyon, kasipagan at sakripisyo ng mga BHW, kasama na ang mga doktor, nurses, medical technologists at iba pa sa paglaban sa nakamamatay na virus.
Kaugnay nito, naglaan si Lapid ng kaukulang pondo para sa medical assistance to indigent patients(MAIP) program at sa ipinapatayong hospital sa Misamis Occidental ni Governor Henry Oaminal, Sr.
Bilang chairman ng committee on tourism sa Senado, prayoridad ni Lapid ang pagpapalago at promosyon ng turismo ng Pilipinas sa buong mundo, kabalikat ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority(TIEZA) na pinangangasiwaan ng kanyang anak na si Mark Lapid.
Naglaan din ang Senador ng pondo para sa Asenso Global Gardens na magiging tourist destination sa Tangub City, Misamis Occidental.
Binigyan naman si Lapid ng plaque of appreciation ng provincial government sa kanyang mga naiambag na tulong sa lalawigan, lalo na sa kalusugan at turismo.
Distribution channels:
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
Submit your press release